Huwebes, Setyembre 22, 2016
Walking Dead
Walking Dead Ang sikat na palabas sa ibang bansa ngunit atin itong napapanuod sapagkat maganda ito at nakakaaliw. Dahil narin na ito'y galing sa ibang bansa , upang lubos na ting maunawaan ay isinalin ito sa wikang Tagalog. Sa aking pagsusuri Sa bawat linyang ibinabato sa kapwa artista ay may ilan akong napansin wikang ginamit. Una nito ay may tungkulin ng wika , kung saan ang isang tauhan sa palabas ay gumamit ng Personal , sapagkat ipinapahayag nya sa mga kasamahan nyang naipit sa isang lugar na kung saan puno ito ng mga patay na lumalakad. Kilala itong 'WALKING DEAD' . Ang isa naman ay Uristiko ,sapagkat ang bawat isa ay humihingi ng tanong kay Rick na kung ano na sng dapat gawin upang makaalis na sila sa lugar na iyon. Sumunod naman ay Impormatibo sapagkat si Rick ay sumasagot sa mga tanong ng kanyang mga ksamahan. Sa Barayti ng wika ay may napansin ko ay kanilang mga sinasabi ay Dalaek , dahil ito'y mga salita ng mga pangkaraniwang tao at ginagamit ito sa parikular na lugar. Sa aking patuloy na pagsusuri napansin ko rin na ang Antas ng Wikang ginamit ay Pambansa sapagkat ito'y walang halong balbal.
Ang aking komento sa pagkakapanuod ko sa palabas na ito ay sadyang nakakasubok ng iyong katataga sa mga panahong gipit ka na. Dahil ito ay napakalupit na mga hakbang upang malusutan ang mga buhay na patay kahit na maraming gumagala galang patay,nagagawa pa rin nilang mabuhay at makatakas sa mga patay. Nakakaisip sila ng mga kakaibang plano, kung kaya't nakakaisip ka din ng mga kakaiba kung sa kaling mangyari sayo iyon. Gusto ko itong palabas sapagkat may mga nangangain na 'zombies' at pinapatay nila ito ng brutal. Yung tipong sasaksakin nila ito direkta sa ulo,sa mata ,sa leeg na talaga namang napakalupet! Ang astig nun! para sakin. Masasabi kong nakakabaliw sapagkat nadadala ako ng damdamin na ipinapakita ng mga umaarte. Yung moment na mapapatili ako at minsan pa nga'y napapatakip ako ng mga mata at napapatayo dahil grabe ang nerbyos ko habang pinapanuod ko ito . talaga namang masasabi mo na parang nandun ka sa lugar naiyon . Sa kalahatan isa itong nakakaaliw na palabas.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento