Huwebes, Setyembre 22, 2016

Pepito Manaloto

Sa palabas na ito ay  may kaakibat na uri ng wika. Sa aking pagsusuri sa palabas na ito ay aking napansin na syay gumamit ng Dayalek na uri ng Barayti ng wika sapagkat ito'y ginagamit sa partikular na lugar. ang Antas ng wikang ginamit at Balbal sapagkat silang nagsasalita ng mga 'baklang lengguwahe'  dahil isa sa mga artista dito ay may ginagampanang bakla o 'bading'. Ang isa naman ay Kolokyal sapagkat gumagamit sila ng pangkaraniwang salita sa kapwa nila katrabaho at mga kaibigan

Ang palabas  na ito ay maraming kapupulutan ng aral dahil hango ito sa totoong buhay.Ang kanilang buhay ay maaring may katulad sa mga taong naninirahan dito sa mundong ibabaw sapagkat ang kanilang mga palabas at tungkol din sa mga problema sa buhay kung paano ito resulbahin. Minsan ang kanilang palabas ay nagbibigay Impormasyon sa mga  bagay na di natin alam pa. Di lang ito kapupulutan ng aral dahil di  ka mababagod na manuod  dahil sadyang malilibang ka sapagkat may mga bandang nagpapataya sila . May ilang "corny" pero  mas marami ang nakakatuwa.

Sa tuwing ikaw ay manunuod minsan mapapasalita ka nalang nang 'hala ganyan ako minsa" dahil di lahat ng kwento nila ay patungkol sa buhay problema. May kaunting aral para sa mga kabataan. May mga panahon na mapapagtanto mo na may mga bagay na mali pala talaga ang ginawa mo. Mapapagtanto mo na may mga paraan pa palang pwedeng gawin. Marami palang paraan para maiwasan o maresolba mo ang mga problemang kinakaharap mo. Sa buhay nang tao, laging may problema  na sosolusyonan nila kung kaya't  lahat ng kinakaharap mo ngayon ay malalagpasan mo din.

Sa palabas na ito ay hango sa totoong buhay . At higit sa lahat kung ikaw man ay naghihirap ngayon, umasa tayo na sa susunod na mga araw ay ikaw na ay nakaahin sa hirap ng buhay tanging manalig ka at kasabay nito ang pagkilos upang maisakatupran ang nais mong gawin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento