Huwebes, Setyembre 22, 2016
Magpakailanman (Buboy Story)
Sa aking mga napapanuod na palabas ay maraming Antas ng Wika ang ginagamit pati narin ang Barayti ng Wika. Sa palabas na ito ay may ginamit na BArayti ng Wika walang iba kundi ang Idyolek sapagkat gumamit sila ng salitang 'poreber' pangalawa naman ay Dayalek sapagkat ang wikang ginagamit sa partikular na lugarpangatlo naman ay Ekolek sapagkat sila buboy ay may sariling lenggwahe sa kanilang tahanan. Ang Antas ng Wika naman ay Kolokyal sapagkat gumagamit sila ang mga salita ng pangkaraniwang tao , pangalawa naman ay Balbal sapagkat si Buboy ay nakikipaglokohan sa kanyang kapatid at ang kanilang wika ay balbal.
Ang palabas na ito ay sadyang napakaganda sapagkat maraming kabataan ang nakakarelate sa kwento ni Buboy. Sa panahon ngayon maraming kabataan ay mapusok pagdating sa Pag ibig. Tila'y ba na di nila iniintindi ang patutunguhan ng kanilang buhay ang tanging nasaisip nila ay mahal "daw" nila ang isa't-isa. Ang mga kabataan ngayon ay iba sa panahon ng ating mga magulang , kung kaya't ang mga linyahan ng ating magulang ay "KAMI NGA NG MGA GANYANG EDAD NAMIN NAGTATRABHO NA AGAD KAMI!! TAPOS KAYO !! ANAK! ANG TITIGAS NG ULO NYO!!!". Paulit-ulit yan. Minsan pa nga'y "mASYADO KA PANG BATA PARA SA MGA GANYAN!" , ngunit pagdating sa gawaing bahay " NAKO! ANG TANDA TANDA MONA, DAPAT MARUNONG KA NA NYAN!. Mga magulang talag.
Ang istoryang ito ay nagpapatunay na ang mga kabataan ngayon ay KAKAIBA dahil di naman lingid sa ating kaalaman na marami naring kabataan ang nagkakaganyan yung nabubuntis ng maaga, yung mga nagtatanan at yung tipong umabot na sila sa kasukdulan. Ngunit sa kabilang Dako ito'y nakakakilig para sa mga kabataan dahil makikita mo kung gaano nila kamahal ang isa't-isa kahit na tutol ang mga mgaulang ng babae ay kanila itong ipinaglaban. Sa bandang huli sinuway parin nila yung kanilang mga magulang.
Kung ako ang tatanungin nniniwala ako na WALANG POREBER !! Unahin nyo nalang yang pag aaral ninyo.
END.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento