Huwebes, Setyembre 22, 2016

Magpakailanman (Buboy Story)


Sa aking mga napapanuod na palabas ay maraming Antas ng Wika ang ginagamit pati narin ang Barayti ng Wika. Sa palabas na ito ay may ginamit na BArayti ng Wika walang iba kundi ang  Idyolek sapagkat gumamit sila ng salitang 'poreber' pangalawa naman ay Dayalek sapagkat ang wikang ginagamit sa partikular na lugarpangatlo naman ay Ekolek sapagkat sila buboy ay may sariling lenggwahe sa kanilang tahanan. Ang Antas ng Wika naman ay Kolokyal sapagkat gumagamit sila ang mga salita ng pangkaraniwang tao , pangalawa naman ay Balbal sapagkat si Buboy ay nakikipaglokohan sa kanyang kapatid  at ang kanilang wika ay balbal.

Ang palabas na ito ay sadyang napakaganda sapagkat maraming kabataan ang nakakarelate sa kwento ni Buboy. Sa panahon ngayon maraming kabataan ay mapusok  pagdating sa Pag ibig. Tila'y ba na di nila iniintindi ang patutunguhan ng kanilang buhay ang tanging nasaisip nila ay mahal "daw" nila ang isa't-isa. Ang mga kabataan ngayon ay iba sa panahon ng ating mga magulang , kung kaya't ang mga linyahan ng ating magulang ay "KAMI NGA NG MGA GANYANG EDAD NAMIN NAGTATRABHO NA AGAD KAMI!! TAPOS KAYO !! ANAK! ANG TITIGAS  NG ULO NYO!!!". Paulit-ulit yan. Minsan pa nga'y "mASYADO KA PANG BATA  PARA SA MGA GANYAN!" , ngunit pagdating sa gawaing bahay " NAKO! ANG TANDA TANDA MONA, DAPAT MARUNONG KA NA NYAN!. Mga magulang talag.

Ang istoryang ito ay nagpapatunay na ang mga kabataan ngayon ay KAKAIBA  dahil di naman lingid sa ating kaalaman na marami naring kabataan ang nagkakaganyan yung nabubuntis ng maaga, yung mga nagtatanan at yung tipong umabot na sila sa kasukdulan. Ngunit sa kabilang Dako ito'y nakakakilig para sa mga kabataan dahil makikita mo kung gaano nila kamahal ang isa't-isa kahit na tutol ang mga mgaulang ng babae ay kanila itong ipinaglaban. Sa bandang huli sinuway parin nila yung kanilang mga magulang.

Kung ako ang tatanungin nniniwala ako na WALANG POREBER !! Unahin nyo nalang yang pag aaral ninyo.

END.

Pepito Manaloto

Sa palabas na ito ay  may kaakibat na uri ng wika. Sa aking pagsusuri sa palabas na ito ay aking napansin na syay gumamit ng Dayalek na uri ng Barayti ng wika sapagkat ito'y ginagamit sa partikular na lugar. ang Antas ng wikang ginamit at Balbal sapagkat silang nagsasalita ng mga 'baklang lengguwahe'  dahil isa sa mga artista dito ay may ginagampanang bakla o 'bading'. Ang isa naman ay Kolokyal sapagkat gumagamit sila ng pangkaraniwang salita sa kapwa nila katrabaho at mga kaibigan

Ang palabas  na ito ay maraming kapupulutan ng aral dahil hango ito sa totoong buhay.Ang kanilang buhay ay maaring may katulad sa mga taong naninirahan dito sa mundong ibabaw sapagkat ang kanilang mga palabas at tungkol din sa mga problema sa buhay kung paano ito resulbahin. Minsan ang kanilang palabas ay nagbibigay Impormasyon sa mga  bagay na di natin alam pa. Di lang ito kapupulutan ng aral dahil di  ka mababagod na manuod  dahil sadyang malilibang ka sapagkat may mga bandang nagpapataya sila . May ilang "corny" pero  mas marami ang nakakatuwa.

Sa tuwing ikaw ay manunuod minsan mapapasalita ka nalang nang 'hala ganyan ako minsa" dahil di lahat ng kwento nila ay patungkol sa buhay problema. May kaunting aral para sa mga kabataan. May mga panahon na mapapagtanto mo na may mga bagay na mali pala talaga ang ginawa mo. Mapapagtanto mo na may mga paraan pa palang pwedeng gawin. Marami palang paraan para maiwasan o maresolba mo ang mga problemang kinakaharap mo. Sa buhay nang tao, laging may problema  na sosolusyonan nila kung kaya't  lahat ng kinakaharap mo ngayon ay malalagpasan mo din.

Sa palabas na ito ay hango sa totoong buhay . At higit sa lahat kung ikaw man ay naghihirap ngayon, umasa tayo na sa susunod na mga araw ay ikaw na ay nakaahin sa hirap ng buhay tanging manalig ka at kasabay nito ang pagkilos upang maisakatupran ang nais mong gawin.

Walking Dead


Walking Dead Ang sikat na palabas sa ibang bansa ngunit atin itong napapanuod sapagkat maganda ito at nakakaaliw. Dahil narin na ito'y galing sa ibang bansa , upang lubos na ting maunawaan ay isinalin ito sa wikang Tagalog. Sa aking pagsusuri Sa bawat linyang ibinabato sa kapwa artista ay may ilan akong napansin  wikang ginamit. Una nito ay may tungkulin ng wika , kung saan ang isang tauhan sa palabas ay gumamit ng Personal , sapagkat ipinapahayag nya sa mga kasamahan nyang naipit sa isang lugar na kung saan puno ito ng mga patay na lumalakad. Kilala itong 'WALKING DEAD'  . Ang isa naman ay Uristiko ,sapagkat ang bawat isa ay humihingi ng tanong kay  Rick na kung ano na sng dapat gawin upang makaalis na sila sa lugar na iyon.  Sumunod naman ay Impormatibo  sapagkat si Rick ay sumasagot sa mga tanong ng kanyang mga ksamahan. Sa Barayti ng wika  ay may napansin ko ay kanilang mga sinasabi ay Dalaek , dahil ito'y  mga salita ng mga pangkaraniwang tao at ginagamit ito sa parikular na lugar. Sa aking patuloy na pagsusuri  napansin ko rin na ang Antas ng Wikang ginamit ay Pambansa sapagkat ito'y walang halong balbal.

Ang aking komento sa pagkakapanuod ko sa palabas na ito ay sadyang nakakasubok ng iyong katataga sa mga panahong gipit ka na. Dahil ito ay napakalupit na mga hakbang upang malusutan ang mga buhay na patay kahit na maraming gumagala galang patay,nagagawa pa rin nilang mabuhay at makatakas sa mga patay. Nakakaisip sila ng mga kakaibang plano, kung kaya't nakakaisip ka din ng mga kakaiba kung sa kaling mangyari sayo iyon. Gusto ko itong palabas sapagkat may mga nangangain na 'zombies' at pinapatay nila ito ng brutal. Yung tipong sasaksakin nila ito direkta sa ulo,sa mata ,sa leeg na talaga namang napakalupet! Ang astig nun! para sakin. Masasabi kong nakakabaliw sapagkat  nadadala ako ng damdamin na ipinapakita ng mga umaarte. Yung moment na mapapatili ako at minsan pa nga'y napapatakip ako ng mga mata at napapatayo dahil grabe ang nerbyos ko habang pinapanuod ko ito . talaga namang masasabi mo na parang nandun ka sa lugar naiyon . Sa kalahatan isa itong nakakaaliw na palabas.