Ako lang ba yung may magulang na MAY ADVANCE NA PAG IISIP.
Shout out naman dyan sa ibang magulang tulungan nyo po akong maintindihan ang mga bagay bagay ni di ko lubos maunawaan.
Pag ka ba nag ka'boy friend' mag aasawa agad?
Pag umaalis ng bahay umiiwas agad sa gawaing bahay?
Pag sumagot bastos na bata agad? hindi ba pedeng nag papaliwanag lang?
Pag nag kwento hindi paniniwalaan kesyo nag sisinungaling ako?
Pag nag ka mali ng isang beses palagi ng mali? di ba pwedeng bumawi?
Pag ba mababa ang grade dahil agad sa boyfriend? hindi po ba pedeng hanggang dun lang ang kinaya ko?
Pag ba may boyfriend malandi agad? kating kati agad?
Sa lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga salitang naibabato sakin at sa pag papababa ng aking sarili di sumagi kailan man ang tapusin na ang aking buhay o kaya't mag rebelde sa aking magulang bagkos aking ipapakita na sya ay mali. Mali na hindi ako mabubuntis ng maaga, mali na di ako makakapagtapos, mali na di ako makakapag trabaho, mali na mag aasawa ako agad. MALI. MALI SILA. YUNG TAONG TINUTUKOY NILA AY HINDI AKO. HINDI AKO. HINDI AKO SAPAGKAT KILALA KO ANG SAILI KO. ALAM KO AT MALINAW SAKIN KUNG ANO BA TALAGA ANG GUSTO KONG MANGYARI. MALAYO SA INIISIP NILA AT INAASAHAN.
Darating din ang araw na mamumulat na sya sa totoong ako, makikilala din nya ako balang araw.
Akoy bukas sa mga taong mag sasabi ng payo sakin o opinyon na mag papalawak pa saking isipan.
SALAMAT
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento