Martes, Pebrero 9, 2021

Ikaw ba ay DDS o DILAWAN?

 Ikaw ba ay DDS o DILAWAN? 


Halina't pag-usapan natin ang napapanahong pagtatalo.

Sa panahong ito, ano nga ba ang madalas mong nakikita sa facebook, twitter or Intagram?


Ilan lamang na aking na obserbahan, may dalawang tao ang nag tatalo sa comment section ng isang post. Hindi man nila kilala ang kanilang kausap ay talaga namang nakikipag talalastasan ng salita. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon sa post na iyon. Ngunit ang parehong opinyon ang kanilang iginigiit.Marahil alam mo na kung anong post ang aking tinutukoy at patungkol sa kung saan ito. Isa ka ba sa ganitong klaseng tao? Ikaw ba ay dilawan or dds? Kung hindi, katulad kaya kita? Hindi sa wala kang pake o walang pinapanigan dahil ikaw ay neutral kundi dahil ikaw ay walang sariling opinyon. Mabilis kang ma-impluwensiyahan ng iba, na sa una ikaw ang sasangayon ngunit pag may nag lapag ng isa pang opinyon at talaga namang mahihikayat ka ay sasangayon ka din. Sa huli, pag ikaw ay  tinanong na kung ano ang iyong masasabi, ikaw ay walang maibahagi dahil hindi mo na alam kung sino ang paniniwalaan since pareho silang may punto.


Para sa mga taong hindi tulad ko. Ano ang iyong maipapayo upang mapagtibay ko ang aking pag aanalisa ng bawat impormasyong aking binabasa. Paano mo napapatibay ang iyong opinyon ng hindi ka man lamang na dadalawang isip bagkos lalong tumitibay ang iyong opinyon kapag may sumalungat sa iyong inihaing ideya.